Pahayag ng P&G ukol sa Aksesibilidad
Layunin ng Procter & Gamble (P&G) na magkaloob ng isang inklusibong karanasan para sa lahat, anuman ang kanilang kakayahan. Sinisikap naming tukuyin at alisin ang mga hadlang na maaaring makaapekto sa paggamit ng aming mga produkto, serbisyo, at komunikasyon.
Sa tulong ng mga dedikadong mapagkukunan (resources) para pataasin ang kasanayan at isama ang aksesibilidad sa aming trabaho, ang aming mga team sa buong mundo ay patuloy na gumagawa ng pag-unlad upang gawing mas inklusibo pa ang aming mga produkto at serbisyo para sa mga taong may kapansanan, bilang bahagi ng aming pang-araw-araw na pagsisikap na paglingkuran ang aming mga konsyumer.
Mga Produkto at Serbisyo
Puntahan ang aming pahinang "P&G Equality & Inclusion - People with Disabilities" para sa karagdagang impormasyon para sa aming mga empleyado, brand, partner, at komunidad. Sinisikap naming tukuyin at alisin ang mga hadlang mula sa aming mga produkto at serbisyo.
Digital na Aksesibilidad
Kasama sa aming proseso ng digital na pagsusuri ang awtomatiko at manu-manong pagsubok sa pagsunod sa aksesibilidad (accessibility conformance testing) alinsunod sa Web Content Accessibility Guidelines (WCAG), na naglalayong tiyakin ang aksesibilidad anuman ang ginagamit na pantulong na teknolohiya (assistive technology) o kakayahan.
Higit Pang Impormasyon
Mga Third Party
Ang aming mga digital property ay maaaring maglaman ng mga link patungo sa ibang mga site na pinapatakbo ng mga third party o magsama ng mga serbisyo ng third party na ibinibigay sa pamamagitan ng software o mga plugin, tulad ng mga serbisyo sa pagmamapa/lokasyon ("Mga Site o Serbisyo ng Third-Party"). Ang mga link at serbisyong ito ay ginawang magagamit para sa kaginhawahan ng mga customer at nilalayon lamang na mapadali ang access sa mga Site o Serbisyo ng Third-Party na ito. Sinusubukan naming makipag-ugnayan sa ilan sa aming mga vendor upang magbigay ng mas aksesibleng karanasan ngunit hindi namin magagarantiya ang kanilang aksesibilidad.
Tulong at Feedback
Mangyaring ipagbigay-alam sa amin kung makatagpo kayo ng anumang hadlang sa aksesibilidad sa alinmang website, produkto, o serbisyo ng P&G, o kung mayroon kayong mga mungkahi para sa pagpapabuti ng aksesibilidad. Maaari ninyo kaming kontakin sa pamamagitan ng email sa accessibility.im@pg.com, sa pagtawag sa +63 2 8894 3955 (Metro Manila) o 1-800-1-888-8008 (sa labas ng Metro Manila), o sa pamamagitan ng sulat sa Procter & Gamble Philippines, Inc., 10F Net Park, 5th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig 1634, Philippines.
Sa inyong mensahe, mangyaring ilagay ang inyong contact information, mga partikular na detalye ng produkto/serbisyo na inyong tinutukoy, at isang maikling paglalarawan ng mungkahi o problemang inyong naranasan. Kung naaangkop, isama ang uri at bersyon ng assistive technology na inyong ginagamit at ang uri at bersyon ng web browser na inyong ginagamit.
